UNTV GEOWEATHER CENTER ( 5am, 11/27/14) – Napanatili ng bagyong Queenie ang taglay nitong lakas ng hangin na 55kph.
Kaninang 4am ay namataan ito ng PAGASA sa vicinity ng Tagbilaran City, Bohol at kumikilos ng West Northwest sa bilis na 24kph.
Nakataas parin ang signal no. 1 sa Palawan kasama na ang Calamian group of island,
Southern Leyte, Bohol, Southern Cebu, Negros Oriental, Southern Negros Occ, Siquijor, Guimaras island, Iloilo and Antique, Surigao del Norte, Agusan del Norte, Dinagat province, Camiguin, Missamis Orr, Missamis Occ, Bukidnon at Zamboanga del Norte.
Sa mga lugar na nakataas ang babala ng bagyo ay makararanas ng mga pag-ulan at pag-bugso ng hangin.
Posible ring magdulot ng mga pagbaha at landslide maging sa iba pang lugar sa Mindanao.
Pinagbabawalan namang pumalaot sa mga sasakyang pangisda at maliliit na sasakyang pangdagat sa Silangang baybayin ng Visayas dahil sa taas na mga pag-alon.
Ngayong umaga ay inaasahang dadaanan ni Queenie ang Southern Cebu at Negros Orriental at bago mananghali ay nasa Negros Occidental naman ito.
Dederetso naman ang bagyo sa Northern Palawan sa hapon habang bukas ng umaga ay posibleng nasa labas na ito ng Philippine Area of Responsibility.
Samantala, makararanas din ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang Bicol region, iba pang lugar sa Mindanao at Visayas, maging ang mga probinsya ng Mindoro, Marinduque at Romblon.
Ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa ay makararanas ng papulo-pulong pag-ulan, pagkidlat at pag-kulog. ( Rey Pelayo/ UNTV News)
SUNRISE – 6.03am
SUNSET – 5.24pm
END