MANILA, Philippines – Plano ngayong imbestigahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagtaas sa presyo ng bigas sa bansa.
Ito ay kasunod ng reklamo ng maraming mamimili kaugnay ng hanggang dalawang pisong pagtaas sa halaga ng bigas bukod pa sa hindi nito magandang kalidad.
Nais malaman ng DTI ang posibleng dahilan ng taas-presyo gayong wala namang kakulangan sa suplay ng bigas sa bansa.
Una na ring tiniyak ng National Food Authority (NFA) na mayroon silang nakaimbak na mahigit 600 tonelada ng bigas na tatagal ng hanggang dalawampu’t isang araw. (UNTV News)