MANILA, Philippines – Tatalakayin ng Metro Manila Council (MMC) sa kanilang pagpupulong sa Hulyo 24 ang panukala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na expanded number coding scheme sa EDSA.
Kabilang sa pag-uusapan ay kung anong mga lugar ang masasaklaw ng bagong patakaran at ilang numero ang maaaring ipagbawal sa isang araw.
Magugunitang noong isang linggo, ipinahayag ni MMDA Chairman Francis Tolentino ang plano ng ahensya na gawing apat na numero ang ipagbabawal sa lansangan bawat araw na umani naman ng batikos mula sa iba’t ibang sektor sa lipunan. (UNTV News)