Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Higit 100 Pilipino, nananatili sa immigration centers sa Japan

$
0
0
Philippine Consul General Maria Jocelyn Tirol-Ignacio (UNTV News)

Philippine Consul General Maria Jocelyn Tirol-Ignacio (UNTV News)

MANILA, Philippines – Patuloy na nakamonitor ang Philippine consulate sa Japan sa natitirang mahigit 100 Pilipino na nakatakdang ipa-deport ng pamahalaan dahil sa paglabag sa immigration law.

Ayon kay Philippine Consul General Maria Jocelyn Ignacio, hinihintay lang nila ang abiso ng Japanese government upang mapa-deport ang mga ito.

“Ang mga kababayan po nating nadeport lahat po ito ay may deportation order. May deportation order po sila dahil lumabag po sila sa immigration laws ng Japan.”

Sa ngayon ay nagsasagawa na ang Philippine consulate ng financial at planning skills workshop, stress management at counseling sa mga deportee kung saan inilalatag sa kanila ang mga programang maaari nilang ma-avail mula sa pamahalaan paguwi nila sa Pilipinas.

Sinabi pa ni Consul General Ignacio na lagi silang nakahandang tumulong sa ating mga kababayan upang makapanatiling ligal sa Japan.

“Well they can come to us. We have had a number of Filipinos who come to us who wants to regularize their stay. Inevitably of course they have to talk to Japanese immigration if they want to regularize their stay. But it’s a case to case basis.”

Matatandaang 75 undocumented Filipinos ang ipinadeport ng Japan nito lamang Hulyo 9 dahil sa kawalan ng mga kaukulang dokumento upang manatili sa kanilang bansa. (Danilo Ticzon / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481