Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Walo pang kidnap for ransom groups sa Luzon, binabantayan ng PNP-Anti Kidnapping Group

$
0
0

PNP-Anti-Kidnapping Group Chief of Staff P/SSupt. Rene Aspera (UNTV News)

MANILA, Philippines – Nasa walo pang lider ng kidnap for ransom groups ang nasa target list ngayon ng PNP-Anti Kidnapping Group.

Ayon kay PNP-AKG Chief of Staff P/SSupt. Rene Aspera, pawang nasa Luzon ang mga naturang sindikato.

Aniya, sa ngayon ay hindi organisado ang ibang grupo dahil kadalasang nagkakanya kanyang lakad ang mga miyembro nito.

Sinabi pa nito na ang ilan sa kanila ay lumipat na sa kidnapping operations mula sa robbery hold-up at iligal na droga dahil humahanap na ang mga ito ng mas malaking pagkakakitaan tulad ng kidnapping.

“Sa aming target list we have listed about 8 except sa Mindanao area, but ang lider ng mga ito ay nakukuha na natin kay Padilio, Buenaora, Licop at Tyrone Dela Cruz,” pahayag ni Aspera.

Dahil dito, pinayuhan ni Aspera ang publiko na doblehin ang pag-iingat upang hindi mabiktima ng kidnap for ransom gang.

Ayon pa sa opisyal, kung maaari ay mag-ingat na gumamit ng iisang ruta at iba-ibahin rin ang mga aktibidad araw-araw.

Kung nakatira sa subdibisyon, hangga’t maaari ay palagiang may security guard hindi lamang sa mismong gate ng subdibisyon kundi maging sa paligid ng bahay.

“Marami na tayong preventive measures para makaiwas sa kidnapping, ‘wag masyadong pina-pattern ang ating ginagawa sa pang araw-araw, kung maaari ay magkaroon ng guard sa bahay,” payo pa ni Aspera.

Malaking tulong din aniya ang pagkakaroon ng closed-circuit television (CCTV) sa mga establisyimento upang makita ang galaw ng mga kawatan at maagapan ang pambibiktima ng mga ito. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481