
FILE PHOTO: Senator Franklin Drilon (UNTV News)
MANILA, Philippines – Isa na namang plunder at graft complaint ang isinampa sa Office of the Ombudsman laban kay Senate President Franklin Drilon.
Sa inihaing reklamo ni dating Iloilo Congressman Agusto Buboy Syjuco, nakasaad na base umano sa COA report, bigo si Drilon na mai-liquidate ang P75 million mula sa kanyang pork barrel na nakalaan sana sa pagpapagawa ng mga school building sa Iloilo noong 2011.
Una nang nagsampa ng plunder at graft complaint si Syjuco laban kay Drilon dahil naman sa umano’y overpriced na Iloilo Convention Center. (UNTV News)