Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Tropical Storm “Hagupit”, posibleng maging Typhoon bago pumasok sa PAR

$
0
0

 

Tropical Storm "Hagupit" forecasted track from JTWC and satellite Image from NOAA

Tropical Storm “Hagupit” forecasted track from JTWC and satellite Image from NOAA

 

UNTV GEOWEATHER CENTER (5pm, 12/02/14) – Posibleng maabot ng bagyong may international name na “Hagupit” ang kategoryang Typhoon bago pa man pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa PAGASA, sa ngayon ay nasa 75kph na ang taglay nitong lakas ng hangin at pagbugso na aabot sa 90kph.

Sa ngayon ay kumikilos ito pakanluran hilagang-kanluran sa bilis na 35kph.

Sa Huwebes ay inaasahang papasok na ito sa PAR at maaaring nasa 120kph na ang lakas nito.

Kaninang 2pm ay namataan ito ng weather agency sa layong 2,325km sa Silangan ng Mindanao.

Binabantayan ng PAGASA ang pag-galaw nito dahil 2 ang sinaryo na posibleng tahakin ng bagyo.

Maaari itong magland-fall sa Bicol, Visayas o Northeastern Mindanao sa linggo o kaya naman ay lumiko ito bago pa man dumikit sa bansa at magtungo nalamang sa Japan.

Samantala, dahil sa pagiral ng Amihan ay makararanas ng mahinang mga pag-ulan sa Cagayan Valley at Cordillera habang ang Central Luzon at Ilocos province ay makararanas naman ng papulo-pulong mahinang pag-ulan.

Sa Metro Manila naman at iba pang lugar sa bansa ay makararanas naman ng papulo-pulong pag-ulan, pagkidlat at pag-kulog.

Matataas din ang mga pag-alon sa mga baybayin ng Northern Luzon gayon din sa Eastern Sea boards ng Central Luzon.

Mapanganib itong pagpalaotan ng mga sasakyang pangisda at maliliit na sasakyang pandagat. (Rey Pelayo / UNTV News)

SUNRISE – 6.06am

SUNSET – 5.25pm

END


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481