Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pop Rock song na “Sabik Sa’yo”, pasok na sa grand finals ng ASOP Year 4

$
0
0

Ang interpreter at composer ng nanalong song of the month para sa Nobyembre na “Adik Sayo” kasama sina Mr. Richard Reynoso, Sheryl Cruz at Ms Toni Rose Gayda. (Photoville International / Apolinar Espos)

MANILA, Philippines – Tiyak na aabangan ng mga kabataan ang susunod na grand finals ng A Song of Praise Music Festival matapos tanghaling monthly winner ngayong Nobyembre ang pop rock praise song na “Sabik Sa’yo.”

Lubos na pinagpapasalamat ng baguhang kompositor na si Joseph Bolinas ang narating na tagumpay ng kanyang unang likhang awit.

“Salamat din po sa programa ng ASOP kasi nabigyan ako ng pagkakataon para mai-share din ‘yung composition ko na actually matagal na ring nakatambak sa bahay at ngayon nailabas na siya.”

Lapat din sa tugtugin ng bandang Kaligta ang naturang awit kaya’t labis na ikinatuwa ng bokalista nitong si Michael Artita na sa kanya naibigay ang interpretasyon nito.

“Nagsusulat ako ng mga praise songs, uplifting songs, inspirational songs, ‘yun talaga ‘yung peg ko. Do’n talaga ako nagsimula, ‘yung gumawa ng mga songs na, gusto ko rin magpasalamat kay Joseph. Ang galing, ang galing ng kanta niya, perfect, hindi ako nahirapang aralin ‘yung song.”

Nahirapan naman ang mga huradong sina Jimmy Antiporda, Sheryl Cruz at Doctor Musiko Mon Del Rosario sa pagpili ng mananalo dahil sa ganda rin ng dalawa pang monthly finalist song.

Kabilang dito ang “Ihahandog” ni John Anthony Jaboya na inawit ni Willie Cordovales at “Inaalay Sa Iyo” ni Rolan Delfin na inawit naman ni RJ Buena. (Adjes Carreon / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Trending Articles


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


Love Quotes Tagalog


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


“BAHAY KUBO HUGOT”


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


EASY COME, EASY GO


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Two timer Sad tagalog Love quotes


“Mali man na ikaw ay ibigin ko, akoy iibig padin sayo”


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.