MANILA, Philippines – Inihain na sa mababang kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na naglalayong i-regulate ang stem cell therapy sa bansa.
Batay sa House Bill No. 732, bubuo ang pamahalaan ng dalawang ahensya na gagawa ng panuntunan sa pagsasagawa ng stem cell therapy at magmo-monitor sa mga ipinatutupad na batas ukol dito.
Ang panukala ay kasunod na rin ng mga lumabas na ulat hinggil sa dumaraming bilang ng mga sumasailalim sa nasabing medical procedure na posibleng samantalahin ng mga sindikato.
Ayon kay Ako Bikol Partylist Representative Rodel Batocabe, may ilang ulat na lumabas patungkol sa mga umano’y unauthorized practice ng stem cell therapy.
Isinasagawa pa umano ito sa mga non health facilities gaya ng mga hotel.
Kapag naisabatas, papatawan ng parusang isa hanggang walong taong pagkakakulong at multang nagkakahalaga ng P50,000 hanggang P100,000 ang lahat ng mapatutunayang lumabag dito. (Grace Casin / Ruth Navales, UNTV News)