Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Bagyong “Hagupit”, naabot na ang Typhoon Category bago pa man pumasok sa PAR

$
0
0

 

satellite image and TY Hagupit forecasted track from PAGASA

satellite image and TY Hagupit forecasted track from PAGASA

UNTV GEOWEATHER CENTER (5am, 12/03/14) – Naabot na ng bagyong may international name na “Hagupit” ang kategoryang Typhoon.

Kaninang 4am ay namataan ito ng PAGASA sa layong 1,670km sa Silangan ng Mindanao na taglay ang lakas ng hangin na 130kph at pagbugso na aabot sa 160kph.

Tinatahang nito ang direksyong West Northwest sa bilis na 30kph at tinatayang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Huwebes.

Papangalanan itong “Ruby” sa oras na pumasok sa PAR.

Base sa datos na nakuha ng weather agency, maaari itong magland-fall o tumama sa mga lugar ng Bicol o Visayas o kaya naman ay sa Northeastern Mindanao sa Linggo.

Ang isa pang posibilidad ay maaari itong lumiko na lamang at tahakin ang direksyong papunta sa Japan.

Kung tatama ito sa bansa ay maaaring magdulot din ito ng nasa 3-4 meters ng storm surge.

Ang storm surge ay ang pagtaas ng tubig ng karagatan dahil sa paparating na bagyo gaya ng nangyari sa Tacloban nang nanalasa ang bagyong Yolanda noong 2013.

Sa nakalap na data ng PAGASA sa loob ng 67 taon ay 3 bagyo ang naglandfall sa bansa sa buwan ng Disyembre sa kaparehong origin o lugar na kung saan nabuo si Typhoon “Hagupit”.

Samantala, ngayong araw ay apektado ng Amihan ang Nothern at Central Luzon.

Makararanas ng mahinang pag-ulan ang Cagayan Valley habang papulo-pulong mahinang pag-ulan din ang mararanasan sa Central Luzon, Cordillera at Ilocos region.

Makulimlim ang papawirin sa Samar at Leyte kung saan mararanasan naman ang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan.

Sa Metro Manila at sa iba pang lugar sa bansa ay makararanas din ng papulo-pulong pag-ulan, pagkidlat at pagkulog.

Matataas po ang mga pagalon sa mga baygayin ng Batanes, Calayan, Babuyan, Cagayan, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan and Isabela at Aurora.

Mapanganib itong pagpalautan ng mga sasakyang pangisda at maliliit na sasakyang pandagat na maaaring umabot sa 4.5 meters. (Rey Pelayo/ UNTV News)

SUNRISE – 6.06am

SUNSET – 5.25pm

END


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481