UNTV GEOWEATHER CENTER (11am, 12/03/14) – Lalo pang lumakas si Typhoon “Hagupit” habang bukas ang inaasahang pagpasok nito sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Namataan ito ng PAGASA kaninang 10am sa layong 1,543km sa Silangan ng Davao City.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 140kph at pagbugso na aabot sa 170kph habang kumikilos ng West Northwest sa bilis na 30kph.
Kapag pumasok ito sa PAR ay papangalanan itong “Ruby” na siyang pang-18 bagyo ngayong 2014.
Ayon sa weather agency nasa 75% o mas malaki na ang posibilidad na maglandfall ito sa bansa partikular sa Visayas sa araw ng Biyernes o Sabado.
Nagbabala din ang PAGASA sa posibleng idulot nitong storm surge sa mga lugar na dadaanan na maaring umabot sa 3-4 na metro.
Ang Storm surge ay ang pagtaas ng tubig sa dagat dahil sa paparating na bagyo gaya nang nangyari sa Tacloban at iba pang lugar sa Visayas nang nanalasa ang bagyong Yolanda noong nakaraang taon.
Nakaranas ng mula 3-7 metro ng storm surge ang mga tabing baybayin na dinaanan ni Yolanda noong nakaraang taon.
Pero ayon sa PAGASA, may posibilidad parin na lumihis ang bagyo at tahakin ang direksyon patungong Japan. (Rey Pelayo / UNTV News)
END