Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mas maayos na statistics ng mga kaso ng rape sa bansa, bunga ng improved crime reporting – PNP

$
0
0

PNP Women and Children Protection Center Chief P/CSupt. Juanita Nebran (UNTV News)

MANILA, Philippines – Iniuugnay ng Philippine National Police (PNP) sa pinahusay na sistema ng pagsusumbong ng krimen ang maayos na pagtatala ng kaso ng rape sa bansa ngayong taon.

Batay sa record ng PNP Women and Children Protection Center, 35% ang itinaas sa estatistika ng rape case sa bansa sa nakalipas na sampung buwan ng taong 2014.

Mula sa 4,737 na kaso noong Enero hanggang Oktubre ng 2013, umakyat ito sa 7,306 ngayong taon.

“The Women and Children Protection Center clarify that the increase involving women and children victims can be attributed to improve reporting of cases and not necessarily increase in the actual number of rape cases,” paliwanag ni WCPC Chief, P/CSupt. Juanita Nebran.

Karamihan sa mga biktima ay menor de edad katumbas ng 76.9%, habang ang 23.1% ay nasa hustong gulang na.

“May mga incestuous rape tayo na talagang ang mga perpetrator ay mga immediate members of the family, meron din mga hindi kakilala, may friends ata classmates at within sa community.”

Ayon pa kay Nebran, hindi lamang sa mga istasyon ng pulisya nila kinukuha ang mga datos ng panggagahasa, kundi pati na rin sa blotter ng mga barangay at iba pang law enforcement unit.

Muling hinihikayat ng PNP ang mga naging biktima ng panghahalay na huwag mag-atubiling magsumbong sa kanila.

Punto ng pulisya, hindi nila maaaring matulungan ang isang biktima kung mananatili lamang silang tahimik. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481