Nanindigan ang mga Hong Kong democracy students na hindi lilisanin ang mga protest site sa kabila ng panawagan ng protest leaders na lisanin na ang mga lugar.
Nitong Martes, ipinahayag ng mga founder ng Hong Kong Occupy Central Civil Disobedience Movement sa mga pro-democracy activists na umalis na dahil sa pangambang sumiklab ang sagupaan laban sa mga pulis.
Hindi naman ito pinansin ng mga protesters at sinabing hindi pa ito napapanahon.
Sa ngayon ay tatlong occupy leaders na ang nagsabi na susuko na sa mga awtoridad, habang ang ilan naman ay nanatili pa rin sa protest camps. (UNTV News)