Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pangulong Aquino, umapela sa media na ibigay ang tamang impormasyon kaugnay ng Bagyong Ruby

$
0
0

FILE PHOTO: President Benigno Aquino III (Photo by Ryan Lim / Malacañang Photo Bureau)

MANILA, Philippines – Muling umapela si Pangulong Benigno Aquino III sa mga kagawad ng media na kaniyang nakausap kanina sa Pasay City na huwag gumawa ng anumang espekulasyon tungkol sa Bagyong Ruby.

Kaugnay ito sa naiulat na ang lakas ng Bagyong Ruby ay katulad ng Bagyong Yolanda na nanalasa sa Eastern Visayas noong nakaraang taon.

“I was concerned with such a statement, and I had to ask Secretary Montejo to confirm this information; and up until yesterday at the NDRRMC briefing, there was no indication or official analysis predicting that Ruby would be Yolanda-like in strength. At best, if Ruby struck, its strength would be more comparable to Pablo. One has to ask: What was the basis of such speculation, and don’t we all agree that in reporting, we must always get the facts right, the angle right, and the news right, if we are to truly inform our people?”

Kaugnay naman ng kaniyang pakikipagpulong kahapon sa NDRRMC kasama ang ilang miyembro ng gabinete, sinabi ng Pangulo na kailangan niya minsan na i-pressure ang ibang opisyal upang gumawa ng paraan na maresolba ang kinakaharap na problema.

Naniniwala naman ang pangulo na mas nakapaghanda ngayon ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan sa paparating na Bagyong Ruby.

“In terms of preparation, but of course the track is not yet definite there are two high pressure I think you heard yesterday, 2 high pressure area that are impact from the directions of Ruby.”

Dagdag ng pangulo, pinag-aaralan nilang mabuti kung papaano at saang mga lugar ipoposisyon ang relief goods upang hindi ito madamay sa panganib na dulot ng bagyo. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481