Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Bagyong Ruby, bahagyang humina subalit nagbabanta paring tumama sa bansa

$
0
0

gwsi2 5pm120514_

UNTV GEOWEATHER CENTER (5am, 12/05/14) – Nabawasan ang lakas ni Typhoon Ruby habang papalapit sa bansa.

Kaning 4pm ay namataan ito ng PAGASA sa layong 370km sa Silangan ng Borongan, Eastern Samar.

Mula sa lakas ng hangin nito kaninang umaga na 215kph, ngayon ay bumaba sa 195kph at may pagbugso na aabot sa 230kph.

Kumikilos ito ng West Northwest sa bilis na 13kph.

Ayon sa weather agency, pinapasok ng lamig ang bagyo dahil sa pag-iral ng Amihan o Northeast monsoon.

Malamig at tuyong hangin ang dala ng Amihan na siya namang kakontra ng bagyo.

Nakataas ang Signal number 2 sa Albay, Sorsogon, Ticao island, Masbate Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Norhern Cebu, Cebu city, Bantayan Island, Camotes island.

Signal number 1 naman sa Catanduanes, Camarines Norte, Camsur, Burias island, Romblon Capiz, Iloilo, Negros Orriental/Occidental, rest of Cebu, Siquijor, Bohol, Missamis Orriental, Agusan del Sur, Guimaras, Camiguin island, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Surigao del Norte, Dinagat island at Siargao island.

gwsi5pm120514_

Ayon sa weather agency, sa Sabado ng gabi o Linggo ng umaga tatama sa Northern Samar-Eastern Samar area ang mata ng bagyo.

Posible paring magdulot ito ng 4-5 metrong storm surge sa mga coastal areas na dadaanan. (Rey Pelayo / UNTV News)

(Nasa ibaba ang mga lugar na maaaring maapektuhan ng pagtama ng bagyong Ruby sa bansa. Posibleng pinakamaaapektuhan ay ang mga nasasakop ng kulay pula o 100km radius mula sa mata ng bagyo. sumunod ang nasa orage o mula sa 100-200km radius. Mararamdaman din ang bagyo sa mga lugar na nasasakop ng dilaw o mula sa 200km radius hanggang sa dulong bahagi ng ulap ng bagyo o outer cloudband)

 

ruby forecast track_

presentation from PAGASA

ruby forecast track 2_

presentation from PAGASA

ruby affected 200km radius_

presentation from PAGASA

ruby affected 3000km radius_

presentation from PAGASA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481