Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pag-usad ni Ruby, bumagal pa

$
0
0

 

satellite image from NOAA

satellite image from NOAA

UNTV GEOWEATHER CENTER (5pm, 12/07/14) – Nasa 10kph na lamang ang pagusad ni Ruby na kaninang 4pm ay namataan ng PAGASA sa 20km sa Kanluran ng Masbate City.

Malaki naman ang ibinawas sa lakas nito bago dumikit sa bansa na 215kph sa lakas ng hangin ngayon na 140kph pagbugso na aabot sa 170kph.

Unang tumama ang sentro ng bagyo 9.15pm kahapon at bukas na ng 2-4am inaasahang tatama sa Sibuyan island sa Romblon.

Ang signal # 3 ay nakataas sa Masbate, Ticao Island, Burias Island, Marinduque, Batangas, Romblon at Oriental Mindoro.

Signal #2 naman Sorsogon, Albay, Cavite, Laguna, Batangas, Lubang Island, Quezon, Occidental Mindoro, Camarines Norte, Camarines Sur, Northern Samar, Samar, Biliran, Aklan, Capiz, Northern Cebu including Cebu City, Bantayan Island at Camotes Island.

Sa Metro Manila ay nakataas parin ang signal #1 gayun din sa Zambales, Bataan, Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Rizal, Catanduanes, Northern Palawan, Iloilo, Antique, Guimaras, Negros Occidental, Negros Oriental, Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte at Rest of Cebu.
(Rey Pelayo / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481