MANILA, Philippines – Kapwa nanalong song of the week ngayong buwan ng Hulyo ang mga awiting “I Am Grateful” at “Hallelujah” sa A Song of Praise (ASOP) Music Festival, Linggo ng gabi.
Ang mga naturang awit ay likha ng mga kompositor na si RJ Jimenez at Ricardo Mercado.
“Grabe! Sobrang thank you sa ASOP kasi laging… feeling ko lagi akong welcome sa ASOP tapos sobrang grateful ako again kay God,” masayang pahayag ni RJ.
Ayon naman kay Ricardo, “nagpapasalamat ako sa Dios, unang-una dahil ‘yung papuring ginawa ko para sa kanya maraming nakarinig at alay ko sa kanya ‘tong panalo ko.”
Malaki naman ang pasasalamat ng dalawang singers na sina Miro Valero at Dennis Perez na nagbabalik sa ASOP bilang bilang interpreter.
Pahayag ni Miro, “sobrang great opportunity na maramdaman ko uli ‘yung mag-perform uli sa stage in front of judges.
“Maraming naitutulong ang ASOP family, unang-una sa mga katulad namin na nawala kaya nagpapasalamat ako,” pahayag naman ni Dennis. (Adjes Carreon / Ruth Navales, UNTV News)