Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Former Rep. Benjo Benaldo, sinabing aksidente lang ang pagkakabaril sa sarili

$
0
0
Former Cagayan De Oro  Representative Benjo Benaldo sa presscon sa St. Luke's Medical Center kung saan kanyang nilinaw na hindi siya nagtangkang magpakamatay at ang pagkakabaril ay isang aksidente lamang. (UNTV News)

Former Cagayan De Oro Representative Benjo Benaldo sa presscon sa St. Luke’s Medical Center kung saan kanyang nilinaw na hindi siya nagtangkang magpakamatay at ang pagkakabaril ay isang aksidente lamang. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Nagsalita na si former Cagayan De Oro (CDO) Rep. Benjo Benaldo tungkol sa nangyaring pagkakabaril sa sarili noong gabi ng Hunyo 27 sa kanyang opisina  sa House of Representatives.

Sakay ng wheelchair, lumabas ng St. Lukes Medical Center si Benaldo kasama ang kanyang personal doctor na si Dr. Jose Oreta Jr. at humarap sa media, Lunes.

Ayon kay Benaldo, aksidente lamang ang nangyari sa kaniya at walang kinalaman ang asawa at aktres na si Diana Meneses, taliwas sa mga naunang ulat na nagkaroon sila ng pagtatalo bago naganap ang insidente.

Nagpasalamat naman ang dating kongresista sa kanyang dating mga staff na nagdala sa kanya sa ospital habang siya ay nag-aaagaw-buhay.

Sa statement ni Benaldo, sinabi nitong kahit wala na siya sa pulitika ay ipagpapatuloy pa rin niya ang kanyang nasimulan sa kanyang distrito bilang isang pribadong mamamayan. (Grace Casin / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481