UNTV GEOWEATHER CENTER ( 5am, 12/08/14) – Malaki na ang ibinawas na taglay na lakas ng hangin ng bagyong si Ruby mula ng tumama ito sa Dolores, Eastern Samar noong sabado ng gabi.
Sa ngayon ay nasa 120kph nalamang ang taglay nitong lakas ng hangin na may pagbugso na aabot sa 150kph.
Mabagal itong kumikilos sa 10kph sa direksyong West Northwest kung saan inaasahang tatama sa Northern Mindoro dakong 6-8pm.
Nakataas ang Signal # 3 sa Burias Island, Marinduque, Romblon Oriental, Mindoro Occidental, Mindoro, Batangas, Laguna, Cavite, Southern Quezon at Lubang Island.
Signal # 2 naman sa Metro Manila, Masbate, Ticao Island, Calamian Grp. of Islands, Bulacan, Bataan, Northern Quezon, Rizal, Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, Semirara Island at AklanCapiz.
Ang Signal # 1 ay nakataas sa Sorsogon, Polillo Island, Zambales, Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, Catanduanes, Northern Palawan including Cuyo, Northern Samar, Iloilo, Antique, Biliran at Bantayan Island.
Ayon sa weather agency, bagamat hindi tatama ang sentro ng bagyo sa Metro Manila ay mararamdaman naman ang pagbugso ng hangin na may katamtaman hanggang sa paminsan-minsang malalakas na mga pag-ulan mamayang 8-10pm. ( Rey Pelayo / UNTV News)