Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Camarines Sur, isinailalim na sa state of calamity dahil kay Ruby

$
0
0

Ang pagpaparamdam ng lakas ni Bagyong Ruby nitong Linggo ng umaga sa San Miguel Bay, Calabanga, Camarines Sur, Bicol. (UNTV News)

NAGA CITY, Philippines – Ala-7 kagabi, Linggo, nang ideklara ni Governor Miguel Villafuerte ang state of calamity sa buong probinsya ng Camarines Sur.

Ito ay matapos umabot sa 45,246 pamilya o katumbas ng 205,377 indibidwal ang inilikas sa mga evacuation center bunsod ng pananalasa ng Bagyong Ruby.

Sa inilabas na datos ng Environment Disaster Management and Emergency Response Office(EDMERO), aabot sa mahigit 200-libong evacuee ang sumilong sa 2,500 na mga evacuation center mula sa 36 na mga bayan.

Tuloy naman ang pagsasagawa ng relief operation ng lokal na pamahalaan sa mga residenteng apektado ng bagyo.

Samantala, patuloy pa rin tayong nakararanas ng pagbuhos ng ulan at malakas na hangin ang Naga City.

Binaha rin ang ilang lugar sa lungsod dahil sa malakas na buhos ng ulan, habang patuloy namang mino-monitor ng lokal na pamahalaan ng Naga ang Bicol River dahil sa posibleng pag-apaw nito.

Sa ngayon ay nasa mahigit 200 pamilya sa Naga City ang nasa evacuation centers dahil sa pagsusungit ng panahon.

Wala pa ring suplay ng kuryente ang ilang bayan sa Camarines Sur buhat pa kagabi, kabilang na ang bayan ng Pili, Camaligan, Iriga City at Libmanan.

Bukod sa Camarines Sur, nasa state of calamity na rin ang probinsya ng Cataduanes, Masbate at Albay dahil pa rin sa epekto ng Bagyong Ruby. (Allan Manansala / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481