Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Bayong Ruby, ibinaba sa Storm category dahil sa patuloy na paghina; mata ng bagyo, maaari pa ring tumama sa Metro Manila

$
0
0

The Track of Tropical Storm “RUBY” Hagupit (PAGASA-DOST)

UNTV GEOWEATHER CENTER (11am, 12/08/14) – Bumaba pa sa 105kph ang taglay na lakas ng hangin ng bagyong si Ruby na may pagbugsong aabot sa 135kph.

Halos kalahati na ang ibinawas sa lakas nito mula sa dating 215kph noong ito ay nasa dagat pasipiko sa Silangan ng bansa.

Kaninang 11am ay tumama ang bagyo sa Marinduque at kumikilos ng West Northwest sa bilis lamang na 10kph.

Nakataas ang Signal #3 sa Bataan, Batangas, Cavite, Laguna, Marinduque, Orriental Mindoro, Lubang Island at Sourthern Quezon.

Signal #2 naman sa Pampanga, Rizal, Bulacan, Metro Manila, rest of Quezon, Occidental Mindoro, Camarines Norte, Camarines Sur, Romblon at Burias island.

Ang Signal #1 ay nakataas sa Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Polilio island, Albay, Sorsogon, Ticao island, Calamian group of island, Masbate, Aklan, Capiz at Semirara island.

Ayon weather agency, kung di magbabago ang track nito ay maaaring tumama din ito sa Batangas mamayang gabi habang hindi naman inaalis ng PAGASA ang posibilidad na tumama din ang sentro ng bagyo sa Metro Manila.

Sa ngayon ay nasa 450km na lamang ang diameter ng bagyo mula sa dating 700km. (Rey Pelayo / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481