Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

High school students, sakop na ng 4P’s ng DSWD

$
0
0
FILE PHOTO: High School Students (UNTV News)

FILE PHOTO: High School Students (UNTV News)

MANILA, Philippines — Ipinahayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sakop na ang mga high school student ng pinalawig na programa na Conditional Cash Transfer (CCT) program ng pamahalaan.

Sa ngayon ay sakop pa lamang ng programa ang mga pamilyang may tatlong anak na mula isa hanggang 14 anyos.

Ngunit sa CCT expansion program, kahit ang mga batang may edad 15 hanggang 18 anyos na high school students ay sakop na rin ng naturang programa.

Ayon kay DSWD Project Manager Dir. Rodora Babaran, simula sa 2014 ay aalisin na ang five-year limit ng CCT program.

“With the high school extension, it effectively lifts that 5-year limit because the household, as long as they have their children in high school, magko-continue yung support sa kanila.”

Umaasa ang DSWD na kahit tapos na ang termino ng Pangulong Aquino ay magpapatuloy pa rin ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng pamahalaan.

“We are hoping na magtutuloy-tuloy kasi even if there’s no law saying that it has to be institutionalized or maintained even after the current administration, we believe that it’s such a laudable project and an effective one, and the people naman mismo ang magsasabi na karapat-dapat siyang ituloy,” ani Babaran.

Target ng administrasyong Aquino na makapagkaloob ng benepisyo sa 4.6 million Filipino families hanggang matapos ang kanyang termino sa 2016. (Rosalie Coz / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481