TAGUIG CITY, Philippines – Ipinatatawag ng Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (SOSIA) ng Philippine National Police (PNP) ang Jarton Security Agency Incorporated at ang dalawang security guards nito na nanutok ng M-16 rifle sa food court ng isang mall sa Taguig noong Sabado ng gabi.
Layon umano ng panunutok na sawayin ang dalawang grupo na nagkakagulo.
Subalit ayon kay SOSIA Chief P/CSupt. Noel Constantino, labag sa code of conduct ang ginawa ng mga guwardya.
Posibleng maharap sa mga kasong administratibo at kriminal ang mga ito, at kung mapatutunayang may nagawang paglabag ay posibleng matangal ang lisensya ng naturang security agency.
Pinaiimbestigahan rin ng SOSIA ang M16 riffle na ginamit sa panunutok dahil wala ito sa ipinasang listahan ng mga armas ng Jarton Security Agency.
“I just signed a letter order and dispatch a team to conduct our own investigation,” saad ni Constantino.
Base sa ulat, sinuspinde na ng Jarton Security Agency ang dalawang security guards ngunit tumanggi pangalanan ang mga ito. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)