Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

20 Doppler radars, target na makumpleto sa 2016

$
0
0

FILE PHOTO: Weather Surveillance Doppler Radar sa Cebu (UNTV News)

MANILA, Philippines – Lalo pang palalakasin ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang kakayahan nito sa pagtaya sa lagay ng panahon sa pamamagitan ng pagdaragdag pa ng Doppler radar.

Batay sa record ng PAGASA, 19-20 ang average na bagyong pumapasok sa bansa kada taon at ang pinakamalalakas dito ay nagaganap tuwing “ber” months. Gaya na lamang ng Bagyong Yolanda noong November 2013 at ang kadaraan lamang na Bagyong Ruby.

Ayon kay Dr. Vic Malano, ang acting Administrator ng PAGASA-DOST, sa pamamagitan ng mga imageries na ibinabato ng mga satellite, malayo pa lamang ay nakikita na nila kung may namumuong bagyo.

“Malaking tulong kasi ang Doppler radar sa tinatawag nating “now casting” yung pagmomonitor natin kung ano yung present tsaka kung ano yung mangyayari for the next 2 to 6 hrs,” pahayag nito.

Target ng PAGASA na sa 2016 ay malagyan na ang Pilipinas ng 20 Doppler radars.

Sa ngayon ay mayroon ng siyam na Doppler radar sa bansa na matatagpuan sa Aparri, Baguio, Baler, Batanes, Tagaytay, Subic, Mactan, Tampakan at Hinatuan.

Kinukumpuni naman ang Doppler radar sa Guiuan, Eastern Samar na nawasak ng Bagyong Yolanda at inaasahang magagamit na sa 2015.

Matatapos na rin ang radar sa Iloilo, habang under construction naman ang sa Zamboanga at Quezon sa Palawan.

Magtatayo na rin sa Busuanga at may panukala na rin na maglagay sa Daet, Camarines Norte.

Sa pamamagitan ng radar, magiging precise ang pagtaya ng PAGASA sa masamang panahon na nasa loob na ng PAR, at magiging madali na rin ang pagbibigay babala sa publiko.

Kahit gaano man kaganda ang mga kagamitan, hindi rin ito mapagagana ng maayos kung wala ang mga tauhan ng PAGASA gaya ng mga forecaster.

Sa ngayon ay 16 lamang ang mga forecaster na nagpapapalit-palit sa loob ng 24 oras upang magbantay sa lagay ng panahon.

Sa ngayon isa rin sa inilalapit ng ahensya ang pondo sa pagtatayo ng National Meteorological Climate Center. Naudlot ang naturang proyekto nang ideklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang DAP kung saan dito sana manggagaling ang pondo para dito.

“Na-declared nga na unconstitutional noong July ay sinabi na ng public works na hindi na nila itutuloy yung project. Dahil hindi na itutuloy yung project we requested for supplemental budget para doon sa building, so ngayon hinihintay namin yung sagot ng DBM,” saad pa ni Malano. (Rey Pelayo / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481