Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Bagyong Ruby, nasa West Philippine Sea na

$
0
0

GWSI5PM120914_

UNTV GEOWEATHER CENTER (5pm, 12/09/14) – Tuluyan nang lumayo sa bansa ang bagyong Ruby.

Kaninang 4pm ay namataan ito ng PAGASA sa 215km sa West Northwest ng Calapan City, Oriental Mindoro.

Taglay pa nito ang lakas ng hangin na 45kph at tinatahak ang direksyong Southwest sa bilis na 13kph.

Ayon sa weather agency, amihan ang patuloy na nagpapahina sa bagyo at posibleng malusaw na ito sa mga susunod na oras.

Sa ngayon ay umiiral pa rin ang Amihan na nakaaapekto sa Northern Luzon.

Sa forecast ng PAGASA makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pagulan ang Metro Manila , Central Luzon at CALABARZON, Bicol Region at MIMAROPA.

Ang mga rehiyon ng Cagayan, Cordillera at Ilocos ay makararanas din ng mahinang mga pagulan habang ang iba pang lugar sa bansa ay makararanas ay magkakaroon ng papulopulong pagulan, pagkidlat at pagkulog.

Samantala, panibagong cloud cluster o paguulap ang binabantayan ng PAGASA na nasa mahigit sa 2 libong kilometro sa Silangan ng Mindanao.

Posible itong maging Low Pressure Area sa mga susunod na araw. ( Rey Pelayo / UNTV News)

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481