MANILA, Philippines – Muling nagpatupad ng dagdag-presyo sa produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa.
Epektibo ala-6 ngayong umaga ng Martes, nagtaas ang kumpanyang Shell, Petron, Chevron at Seaoil ng piso (P1.00) sa presyo ng kada litro ng kerosene.
P0.75 naman ang itinaas sa kada litro ng diesel, habang P1.60 sa presyo ng gasolina.
Paliwanag ng mga oil company, ang patuloy na paggalaw ng halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan at palitan ng piso kontra dolyar ang dahilan ng panibagong oil price hike. (UNTV News)