UNTV WEATHER CENTER (5am, 12/10/14) – Posibleng bukas ay pumasok sa Philippine Area of Responsibility ang panibagong LPA na nasa mahigit 2 libong kilometro sa Silangan ng Southern Luzon.
Ayon sa PAGASA, may posibilidad din na maging bagyo ito kaya’t patuloy ang kanilang ginagawang monitoring sa weather system.
Samantala, nasa West Philippine Sea na ang bagyong si Ruby sa layong 370km West ng Calapan City, Oriental Mindoro at posibleng mamayang gabi o bukas ay lumabas naman ito ng PAR.
Sa ngayon ay umiiral ang Amihan na siyang nakaaapekto sa Northern Luzon.
Sa forecast ng weather agency, makararanas ng mahinang pag-ulan ang Cagayan Valley, Cordillera at Ilocos region habang ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may papulo-pulong pag-ulan, pagkidlat at pag-kulog.
Mapanganib parin pumalaot sa mga baybayin ng Batanes, Calayan, Babuyan, Cagayan, Ilocos Provinces, La Union, Pangasinan, Isabela, Aurora, Zambales at Bataan. (Rey Pelayo/UNTV News)
SUNRISE – 6.10am
SUNSET – 5.27pm