UNTV GEOWEATHER CENTER (11am, 12/10/14) – Muling lumakas ang bagyong Ruby habang ito ay nasa dagat Pasipiko.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 65kph at may pagbugso na 80kph kung saan kumikilos ito pakanluran sa bilis na 20kph.
Subalit ayon sa PAGASA, wala na itong epekto sa ating bansa at mamayang 6-7pm ay lalabas na ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Samantala, isang LPA naman ang binabantayan ng weather agency sa layong 1,870 Km sa Silanglang ng Southern Mindanao.
May posibilidad itong maging bagyo at maaaring pumasok sa PAR bukas.
Kung sakali ay ito na ang pang 19 na bagyo na papasok sa PAR ngayong 2014 at papangalanan itong “Senyang”. ( Rey Pelayo / UNTV News)