Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Desisyon ng Korte Suprema sa disqualification case vs. Erap, ipinagpaliban sa 2015

$
0
0

FILE PHOTO: Manila Mayor Joseph Estrada (UNTV News)

MANILA, Philippines – Ipinamamadali na ng iba’t ibang grupo ang paglalabas ng Korte Suprema ng desisyon kaugnay ng disqualification case laban kay Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada.

Ayon sa mga grupong Movement Against Corruption (MAC), Coalition of Women Against Corruption (CoWAC), Kaisa sa Mabuting Pamamahala (KMP), at Koalisyon ng Kabataan Kontra Korapsyon (KKKK), ito na sana ang pinakamagandang regalo sa kanila ng mga mahistrado.

“Hindi kami naubusan ng lakas. Isang malaking Pamasko ito. Isa sa mga dahilan bakit kami nandito ay upang magkaroon ng kasagutan kung sino talaga dapat ang Mayor ng Manila,” pahayag ni Tina Bonifacio, Presidente ng MAC.

“Ang aming nabalitaan, ngayong araw ay tinatalakay nila ito, kasama sa pagpupulungan. Malaking pag-asa para sa aming mga taga-Manila. Matagal na namin itong hinahangad sa disqualification case ni Mayor Erap. Masaya kami sa action ng Korte Suprema. Pabor sa aming mahihirap, mga walang pera,” dagdag nito.

Subalit ayon kay Supreme Court Spokesperson Atty. Theodore Te, ang kaso ni Mayor Estrada ay hindi kasama sa mga tinalakay ng mga mahistrado sa kanilang huling en banc session ngayong araw para sa taong ito.

Sa halip ay sa susunod na taon na lamang nila ito pagdedesisyunan.

“The Erap case was not resolved. It is still under deliberation. It will be deliberated further next year,” saad ni Atty. Te.

December 16 hanggang January 6 ay nasa decision writing break ang Korte Suprema.

Ipagpapatuloy naman ang pagsasagawa ng regular session sa January 13, 2015. (Bianca Dava / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481