Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pagdiriwang ng International Human Rights Day, sinabayan ng protesta

$
0
0

Ang pagsusunog sa effigy ni Pangulong Benigno Aquino III bilang bahagi ng kilos protesta ng iba’t-ibang grupo na isinagawa kasabay ng pagdiriwang ng International Human Rights Day nitong Miyerkules, December 10, 2014. (Photoville International)

MANILA, Philippines – Kasabay ng pagdiriwang ng International Human Rights Day nitong Miyerkules, nagtipon-tipon naman sa Mendiola, Maynila ang mahigit sa tatlong daang mga raliyista upang iprotesta ang umano’y iba’t ibang paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng administrasyong Aquino.

Layon ng protesta na maipaabot sa pamahalaan ang hinihiling na hustisya para sa mga kababayan nating nakaranas umano ng human rights violation partikular na ang mga katutubong Lumad sa Mindanao.

Ngayong taon ay ipinagdiriwang ang ika-66 anibersaryo ng United Nations Universal Declaration of Human Rights.

Alas sais pa lamang ng umaga ng simulan ang kilos-protesta sa plaza miranda ng mga katutubo at ilang delegado mula sa southern Luzon.

Alas-10 kaninang umaga nang tumulak ang grupo patungong Mendiola kasama ang iba pang human rights advocates, kabilang na ang Philippine Alliance of Human Rights Advocates, Task Force Detainees of the Philippines, Alliance of Progressive Labor, Partidong Manggagawa at iba pa.

Dala-dala ng mga grupo ang iba’t-ibang plakards na nakasulat ang mga katagang “PNoy guilty sa human rights violation.”

Isang effigy din ni Pangulong Aquino ang sinunog ng mga protesters na sumisimbolo ng kanilang pagkondena sa kawalang aksyon ng administrayson sa mga paglabag sa karapatang pantao.

Ipinanawagan din ng mga katutubo ang pagpapatigil sa large-scale mining sa ilang lugar sa Mindanao, dahil sa masamang epekto nito sa kapaligiran at kabuhayan ng mga katutubo.

Ayon naman sa grupong Philippine Alliance of Human Rights Violation, walang maayos na plataporma ang kasalukuyang administrasyon sa pagpapatupad ng karapatang pantao para sa mga Pilipino.

“ibig sabihin ito’y walang balangkas o mga pangkalahatang layunin kung anung gagawin sa larangan ng karapatang pantao,” pahayag ni Max De Mesa, Chairperson ng PAHRA.

Dagdag pa ng grupo, hanggang ngayon ay wala pa ring inilalabas na national human rights action plan. Hindi na rin umano nila hahangaring makausap pa ang pangulo.

Ayon naman sa Malakanyang, ginagawa nila ang lahat ng paraan upang masolusyunan ang isyu.

“Suffice to say that we do our best on this fronts Secretary De Lima will give you the numbers of the statistics on efforts of the administration,” pahayag ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte. (Joan Nano / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481