Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga OFW sa Russia, apektado ng paghina ng ekonomiya ng bansa

$
0
0

Ilan lamang sa mga OFW sa Russia na apektado ng economic crisis sa naturang bansa. (UNTV News)

MOSCOW, Russia – Naaapektuhan na ang maraming Overseas Filipino Workers (OFW) sa bansang Russia dahil sa patuloy na paghina ng ekonomiya ng bansa.

Sa kasalukuyan ay mayroong humigit-kumulang na 38-libong mga Pilipino na nagtatrabaho sa Russia, subalit nasa 7,000 lamang ang nakarehistro sa embahada.

“Malaki ang naging epekto nito dahil una wala ka nang natitira sa sarili mo, wala ka nang matira padala sa Pilipinas dahil sa taas ng dollar. Paano bibiling dollar times 2 ang palitan mula few months hanggang ngayon,” pahayag ng OFW na si Melinda Bocabo.

Ayon naman kay Glenda Sismar, bagama’t hindi siya apektado ng pagbaba ng halaga ng ruble dahil Canadian ang kanyang amo ay nagaalala siya sa mga kapwa OFW.

“Namomroblema sila dahil rubles lang ang mga kinikita nila tapos konti lang ang mapapalit kaya halos lahat gusto nang umuwi ng Pilipinas, pero yung sa akin dollar kasi ang sweldo ko dahil Canadian amo ko sa akin okay lang yun. Kaya lang pinoproblema ko yung mga kasama ko sa bahay dahil rubles ang kita nila ngayon maliit ang kita ngayon sa bahay namin nabawasan pa kami.”

Ang pera ng Russia na kilala sa tawag na ruble ay bumagsak ng halos 10% sa loob lamang ng ilang araw at patuloy pa rin ang paghina sa nagdaang mga linggo.

Mula sa dating 32 ruble (RUB) kada dolyar, pumalo ito ng 48.60 ngayon.

Ilan sa mga dahilan ng krisis sa Russia ay ang mga usapin sa pagitan ng Amerika at ilang bansa sa Europa, ang gulo sa Ukraine at ang pagtaas ng halaga ng produktong petrolyo na pangunahing dahilan upang unti-unting mag-aalisan ang mga investor sa bansa.

Bahagya namang nakabawi ang ruble nang mangako ng suporta sa pananalapi ang Central Bank of Russia.

Noong nakaraang buwan, naglaan ang central bank ng $2 billion kada araw upang mapanatili ang naturang currency, subalit walang katiyakan kung kailan ito tatagal sapagkat hindi unlimited ang intervention ng central bank upang suportahan ang ruble.

Sa kasaysayan, unang nakaranas ng financial crisis ang Russia noong August 17, 1998 na tinawag nilang “ruble crisis” o “Russian flu”. (Rose Sheane Santiago / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481