MANILA, Philippines – Dumistansya naman ang Malakanyang sa panukalang itigil na ang paglalaan ng pork barrel o Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa mga mambabatas.
Unang iminungkahi na i-abolish ang PDAF upang mawala ang mga anomalya tulad na lamang ng isyu sa sampung bilyong pisong nagamit sa umano’y ghost projects.
Sa pahayag ni Presidential Communications Group Secretary Sonny Coloma, ipinauubaya nila sa mga mambabatas ang isyu lalo’t ang mga ito naman ang nagdedesisyon kung paano hahatiin ang national budget.
Tiniyak naman ng palasyo na wala silang papaboran sa imbestigasyon sa isyu na kinasasangkutan umano ng ilang mambabatas. (UNTV News)