Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Konsepto ng Wish FM bus, hinangaan ng ilang OPM artists

$
0
0

FILE PHOTO: Ang Wish 1075 Bus sa pag bisita nito SM MOA Grounds (Rodel Lumiares / Photoville International)

MANILA, Philippines – Kasama ang “OPM heartthrob” na si Ronnie Liang at bokalista ng Banda ni Kleggy sa mga humahanga sa konsepto ng kauna-unahang Wish 1075 mobile FM radio booth.

Kapwa pinaawit at pinaindak ng dalawang OPM artist ang mga taga-suporta ng Wish 1075 sa mall tour nito sa SM Center Las Pinas at Molino, Cavite kamakailan.

“This is the first I witnessed this kind of idea, concept na ang radio station umiikot while inside the bus and this is very cool. Kahit sa abroad wala pa yata nito and congratulations to Wish FM. It’s a great idea,” pahayag ni Ronnie.

Ang tinaguriang “OPM heartthrob” na si Ronnie Liang sa loob ng Wish FM Bus at Wish 1075 mall tour sa SM Molino, Cavite. (Wish FM Facebook Page)

Ayon naman kay Kleggy, “Ang ganda noon. Ang ganda kasi nakikita ng tao kung paano mismo nag-iinterview, iniikot pa yung buong Quezon City and everything kung saan saan, nakakatuwa yun, nakikita nila yung performer.”

Naging platform din sa promosyon ng Original Pilipino Music o OPM ang Wish FM bus dahil bukod sa listeners nito sa radyo, ay may live audience din sa bawat lugar kung saan ito nakastand-by.

Katulad ng pag-promote ng bagong album ng tinaguriang “Asiansation” na si Christian Bautista kamakailan.

Sina Christian Bautista at DJ Jelly Kiss sa loob ng Wish 1075 Bus (Rodel Lumiares / Photoville International)

Nitong Miyerkules lamang ay naging bisita ang sikat na rapper na si Gloc 9 sa Wish 1075 bus kasama si Lirah Bermudez. (Joan Nano / Ruth Navales, UNTV News)

Sina Gloc 9 at Lirah Bermudez (Rodel Lumiares / Photoville International)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481