UNTV GEOWEATHER CENTER (5pm, 12/11/14) – Patuloy ang monitoring ng PAGASA sa LPA na nasa 1,390km sa Silanglang ng Southern Mindanao.
May posibilidad itong maging bagyo at maaaring pumasok sa PAR ngayong gabi o bukas.
Kung sakali ay ito na ang pang 19 na bagyo na papasok sa PAR ngayong 2014 at papangalanan itong “Senyang”.
Samantala, magkararanas ng mahinang pag-ulan ang Ilocos, Cagayan Valley at Cordillera region dahil sa pagiral ng Amihan habang ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa ay makararanas din ng papulo-pulong pag-ulan, pag-kidlat at pag-kulog.
Dahil naman sa taas ng mga pagalon ay mapanganib na pumalaot ang mga sasakyang pangisda at maliliit na sasakyang pandagat sa mga bagbagyin ng Batanes, Calayan, Babuyan, Cagayan, Ilocos Provinces, La Union, Pangasinan at Isabela. ( Rey Pelayo / UNTV News)
SUNRISE – 6.11AM
SUNSET – 5.28PM