Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Protesta para sa bawas singil sa tubig, isinagawa sa tanggapan ng MWSS

$
0
0

Graphics: Water rates sa Maynilad Water Services and Manila Water Company

MANILA, Philippines – Panglima ang Maynila sa may pinakamataas na singil ng tubig sa buong Asia Pacific ayon sa tagapagsalita ng Freedom from Debt Coalition (FDC) na si Rovik Obanila.

Bunsod ito ng pagsasapribado ng sistema ng tubig sa National Capital Region (NCR) noong 1997.

Sa kasalukuyan ay naniningil ang Maynilad Water Services, Inc. ng 1.46 per cubic meter, habang 7.24 per cubic meter naman ang sinisingil ng Manila Water Company, Inc.

“Sa karanasan natin, hindi nakatulong sa mamamayan ang pagsasapribado ng tubig. Katunayan, sa loob ng 17 years ng privatization, sunud sunod po ang pagtaas ng tubig natin,” pahayag ni Abanila.

Dagdag pa nila, isinasama ng dalawang water companies sa singil sa tubig ang corporate income tax na dapat sila ang nagbabayad.

Dahil dito, naglabas ng desisyon ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) noong nakaraan taon na ibaba ng dalawang kumpanya ang kanilang singil sa tubig.

Ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa rin naipatutupad ng mga kumpanya ang naturang kautusan.

Kaya nagdaos na ng kilos protesta ang grupo sa harap ng tanggapan ng MWSS sa Katipunan, Quezon City upang manawagan na ibaba ang singil sa tubig.

“Nakikibahagi po kami sa isang pandaigdigang serye ng pagkilos hindi lang sa Pilipinas kung hindi sa iba pang bahagi ng mundo. Upang ilantad ang kasinungalingan na mga isinusulong ng mga international financial institutions katulad ng World Bank na nakabubuti sa mamamayan ang pagsasapribado ng tubig,” saad pa ni Obanila.

Ayon naman sa Manila Water, hindi pa pinal ang desisyon ng MWSS kaya’t hindi pa nila maipatupad ang bawas singil sa tubig. (Joyce Balancio / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481