Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

2015 energy crisis, kayang masolusyunan kahit walang additional power si PNoy — Osmeña

$
0
0

FILE PHOTOS: President Benigno Aquino III and Senator Sergio “Serge” Osmeña III (Julius Castroverder / Photoville International / UNTV News)

MANILA, Philippines – Naniniwala si Senador Sergio “Serge”  Osmeña III, chairman ng Senate Committee on Energy, na maaari pa ring masolusyunan ang nakaambang power crisis sa susunod na taon kahit na hindi ipasa ng Senado ang joint resolution para sa dagdag kapangyarihan ng Pangulo.

“It’s not important. If the Senate didn’t pass the joint resolution, we will still have the ILP in place. We will still exempt the hydro’s to the ERC,” anang senador.

“Because the president is being misled he does not really know power, he relies on the people who don’t know power either,” saad pa ni Osmeña.

Sa kabila nito, bubusisiin pa ring maigi ng Senate Committee on Energy ang Joint Resolution No. 21 na naipasa na sa House of Representatives nitong Miyerkules.

“We still trying to get all the details on the cost and the legalities involved like we need exemption from the bio-fuels law.”

Ayon kay Osmeña, mapag-aralang mabuti ang lahat ng detalye sa gagastusin at legalidad nito.

Bukod dito, hihilingin ng komite sa Energy Regulatory Commission (ERC) na i-exempt ang hydro dams sa Luzon mula ngayong Disyembre hanggang Marso sa tinatawag na “must offer rule”.

Sa ilalim ng rule na ito, lahat ng power plant operator na register sa WESM (Wholesale Electricity Spot Market) ay kailangang maglagay ng price tag sa kanilang generating capacity.

Ang mataas ng maximum price o price ceiling ng mga kumpanyang kabilang sa WESM ang isa sa nagiging dahilan ng pagtaas ng presyo ng kuryente gaya ng nangyari noong Disyembre 2013.

“The must offer rule means that kung meron kang power dapat i-offer mo sa WESM, ang sabi sa akin ng mga hydro owners specially the Aboitiz Group who have Magat Dam, Ambuklao Dam, Binga Dam.”

“So, kakausapin ko yung ERC, please exempt the hydro from the must offer rule,” dagdag pa ng senador.

Ayon umano sa mga hydro owner, kapag exempted ang mga ito sa must-offer rule ay makatitipid ng tubig na kayang makapagbigay ng additional na 100 megawatts (MW) hanggang 250 MW sa darating na summer.

Dahil dito, magkakaroon ang bansa ng 1,600 MW na reserbang enerhiya ngunit asahan pa rin ang pagkakaroon ng tatlo hanggang apat na beses na brown out na aabot sa isa hanggang dalawang oras sa susunod na taon.

Sinabi pa ni Osmeña na may 300 MW na maaasahan sa dalawang bagong tayong planta na magiging operational sa Marso, at 250 MW sa Abril ng susunod na taon. (Bryan De Paz / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481