UNTV GEOWEATHER CENTER (5am, 12/12/14) – Posibleng pumasok na sa Philippine Area of Responsibility ang isang Low Pressure Area sa loob ng 24 oras.
Ayon sa PAGASA, wala pa namang direktang epekto ito sa bansa at kung sakali mang maging bagyo ay hindi ito kasing lakas ni Ruby.
Kung sakali ay ito na ang pang 19 na bagyo na papasok sa PAR ngayong 2014 at papangalanan itong “Seniang”.
Samantala, makararanas ng papulo-pulong mahinang pag-ulan ang Ilocos, Cagayan Valley at Cordillera region dahil sa pagiral ng Amihan habang ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa ay makararanas din ng papulo-pulong pag-ulan, pag-kidlat at pag-kulog.
Dahil naman sa taas ng mga pagalon ay mapanganib na pumalaot ang mga sasakyang pangisda at maliliit na sasakyang pandagat sa mga bagbagyin ng Batanes, Calayan, Babuyan, Cagayan, Ilocos Provinces, La Union, Pangasinan at Isabela. ( Rey Pelayo / UNTV News)
SUNRISE – 6.11AM
SUNSET – 5.28PM