Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

‘No plate, no travel’ policy, ipatutupad na sa Enero 2015

$
0
0

Simula unang linggo ng Enero sa 2015, bawal na ang pagbiyahe ng mga sasakyan na walang plaka at hindi na rin maaaring gamitin ang conduction stickers bilang plate number ng mga bagong sasakyan ayon sa LTO. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Ipinahayag ng Land Transportation Office (LTO) na tuloy na ang implementasyon ng ‘no plate, no travel’ policy sa mga unang linggo ng Enero 2015.

Ayon sa LTO, wala ng problema at backlog sa mga plaka ng mga sasakyan kaya maiisyu na agad ito sa mga motorista.

Naantala ng halos anim na buwan ang implementasyon dahil sa kahilingan ng mga car dealer na maiayos ang mga nakabinbin pang mga unregistered vehicle.

Kinausap ng LTO ang lahat ng mga car dealer sa bansa at sinabing hindi na sila pwedeng maglabas ng mga sasakyan kung hindi kumpleto ang mga dokumento gaya ng official receipt at certification of registration.

Ibig sabihin, hindi na pahihintulutan ang mga sasakyan na bumiyahe sa susunod na taon na walang plaka, o di kaya’y gumagamit ng conduction sticker bilang plaka.

Ayon kay LTO Spokesperson Jason Salvador, lahat ng bagong sasakyan ay dapat may plaka na bago i-turnover sa may ari.

“Until the vehicle itself is properly registered meaning with the issuance of the certificate of registration and official receipt and the plates you will no longer be allowed to deliver or to allow your customers to deliver it home.”

Ayon pa sa LTO, pitong araw ang kanilang ilalaan sa mga car dealer upang ayusin ang rehistro ng mga bagong sasakyan.

Nagbabala naman ang LTO sa mga car dealer na maaari silang matanggalan ng lisensya at magmulta ng sampung libo kung hindi susunod sa 7-day registration policy.

45 araw naman bago makuha ang plaka ng mga sasakyang dadaan sa re-registration.

Maaari nang makakuha ng newly designed plates ang mga lumang motor vehicles na mag-e-expire na ang rehistro.

“Starting January we will be starting the replacement of plates in consonance with the plate standardization program,” saad pa ni Salvador.

Maaari nang isabay ang pagkuha sa bagong plaka kasabay ng re-registration ng mga sasakyan, depende kung anong numero nagtatapos ang plaka.

Nagkakahalaga ng P450.00 ang bagong standard plate. (Mon Jocson / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481