Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

LPA, magpapaulan sa ilang lugar sa bansa

$
0
0
Satellite image from PAGASA

Satellite image from PAGASA

UNTV GEOWEATHER CENTER ( 5pm, 12/13/14) – Makararanas ng katamtaman hanggang sa paminsan-minsang malalakas na pag-ulan ang Samar at Leyte area dahil sa paglapit ng isang Low Pressure Area.

Posibleng magdulot ng pagbaha at landslide ang mga mararanasang pag-ulan.

Kaninang 4pm ay namataan ito ng PAGASA sa 170km sa Silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Mahina ganggang sa katamtamang pag-ulan naman ang mararanasan sa Central Visayas kasama na ang Panay at Negros island maging sa Bicol region, Quezon, Marinduque at Romblon.

Sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa ay makararanas ng papulopulong pagulan at thunderstorms.

Matataas ang mga pagaalon sa mga baybayin ng Batanes, Calayan, Babuyan, Cagayan, Isabela, Ilocos Provinces, La Union, Pangasinan, Aurora, Zambales, Bataan, Camarines Provinces, Catanduanes, Eastern coast of Albay, Sorsogon at Quezon kasama ang Polillo Island.

Mapanganib na pumalaot ang mga sasakyang pangisda at maliliit na sasakyang pandagat. (Rey Pelayo/ UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481