Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Metro Manila at iba pang lugar sa Luzon, makakaranas ng pag-ulan dahil sa tail-end of a cold front

$
0
0

 

Satellite imag from PAGASA

Satellite imag from PAGASA

UNTV GEOWEATHER CENTER (5am, 12/14/14) – Apektado ng Tail-end of a cold front ang Southern Luzon habang ang Amihan ay nakakaapekto din sa Northern Luzon.

Sa forecast ng PAGASA, makakaranas ng mahina hanggang sa katamtamang pagulan ang Metro Manila, Bicol Region, Calabarzon, Panay Island at mga Provinces ng Aurora, Mindoro, Marinduque at Romblon.

Mahinang pagulan din ang mararanasan sa Cagayan Valley, Cordillera at Ilocos.

Sa iba pang lugar sa bansa ay may mga papulopulong pagulan at thunderstorms.

Matataas ang mga pag-aalon sa mga baybayin ng Batanes, Calayan, Babuyan, Cagayan, Isabela, Ilocos Provinces, La Union, Pangasinan, Aurora, Zambales, Bataan, Camarines Provinces, Catanduanes, Eastern coast of Albay, Sorsogon at Quezon kasama ang Polillo Island.

Mapanganib na pumalaot ang mga sasakyang pangisda at maliliit na sasakyang pandagat. (Rey Pelayo/ UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481