MANILA, Philippines – Tumaas ang bilang ng mga Pilipinong kuntento sa umiiral na demokrasya sa bansa.
Batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), tatlo sa apat na Pilipino o katumbas ng 74 porsyento ang nagsabing nasiyahan sa demokratikong paraan ng pamamahala sa bansa.
Mas mataas ito kumpara sa naitalang 70 porsyento noong Septemper 1992 at July 1998 sa panahon nina dating pangulong Fidel Ramos at Joseph Estrada.
Naitala naman ang 68 percent na democracy satisfaction rating noong June 2010, habang bumaba ito sa 44 percent matapos ang presidential elections noong June 2004.
Nasa 59 percent din sa mga respondent ang nagsabing mas kanais-nais ang demokrasya kumpara sa ibang klase ng pamahalaan gaya ng diktaturya.
Ang nasabing survey ay isinagawa ng SWS noong March-19 hanggang 22 sa 1,800 respondents sa buong bansa. (UNTV News)