UNTV GEOWEATHER CENTER (5am, 12/15/14) – Apektado ng Tail-end of a cold front ang Southern Luzon habang ang Amihan ay nakakaapekto din sa Northern Luzon.
Sa forecast ng PAGASA, makakaranas ng mahina hanggang sa katamtamang pagulan ang Aurora, Quezon at Palawan.
Mahinang pagulan din ang mararanasan sa Cagayan Valley, Cordillera at Ilocos.
Sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa ay may mga papulopulong pagulan at thunderstorms.
Matataas ang mga pag-aalon sa mga baybayin ng Batanes, Calayan, Babuyan, Cagayan, Isabela at Aurora kaya’t
mapanganib na pumalaot ang mga sasakyang pangisda at maliliit na sasakyang pandagat. (Rey Pelayo/ UNTV News)
SUNRISE – 6.13am
SUNSET – 5.28pm