Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

COMELEC, maglalabas na ng resolusyon bukas kaugnay ng refurbishing ng PCOS machines

$
0
0

COMELEC Chairman Sixto Brillantes Jr. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Hindi nababahala ang Commission on Elections (COMELEC) sa banta ng Smartmatic na magdedemanda sakaling hindi sa kanila mapunta ang kontrata ng refurbishing o restoration ng 82-libong lumang PCOS machines.

“That is not an issue for us, wala kaming pakialam sa Smartmatic kung gusto nilang magdemanda, it’s not an issue,” mariing pahayag ni COMELEC Chairman Sixto Brillantes Jr.

Ayon pa rito, bukas na malalaman kung ano ang magiging desisyon ng komisyon kung kailangan bang magpa-public bidding o manatili sa Smartmatic ang diagnostics, eksaminasyon at pag-aayos ng nasabing PCOS machines.

“The resolution will come out formally on Tuesday, umiikot na ang resolusyon,” ani Brillantes.

Samantala, nagumpisa nang magsagawa ng random audit ang COMELEC sa 383 clustered precincts sa bansa.

Ito ay upang imbestigahan ang digital lines sa mga PCOS machine na sinasabing nakaapekto sa pagbilang ng boto noong 2013 midterm elections.

Ayon kay Brillantes, natuklasan nila ang digital lines pagkatapos ng 2013 midterm elections.

Aniya, nang kanilang buksan ang mga PCOS machine doon ay may nakita silang mga linya sa image sa PCOS machines na wala naman sa balota.

Batay sa unang pagsisiyasat ng COMELEC, maaaring ang sanhi ng digital lines ay dahil sa Mylar film sa rollers na nasa loob ng makina, o kaya naman ay dahil sa tinta ng marker pens sa mga balota.

Ayon pa kay Brillantes, layunin ng pagsisiyasat na alamin kung naging lubha ba ang epekto ng nasabing digital lines sa resulta ng eleksyon.

“What we are trying to determine if the machine can never be accurate, kasi may mga thresholds, does the line affect the results, if there are digital lines that appear, will it affect the results but ang tanong ko, it will affect, will it adversely affects the results.” (Rosalie Coz / Ruth Navales, UNTV News).


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481