MANILA, Philippines – Ipinagmalaki ng Philippine National Police (PNP) ang pagbaba ng krimen sa buong bansa ng 16.10%
Simula Enero hanggang Oktubre 2014, umabot lamang ng 591,393 ang naitalang krimen kumpara sa kaparehong panahon noong 2013 na nasa 704,876.
Bumaba rin ang blotter ng 12.77% na nakapagtala lamang ng 59.38 ngayong taon, kumpara sa 72.15 noong nakaraang taon.
“The crime volume collated from PNP blotters nationwide, decrease by 16.10% from 704,876 in January to October 2013 as compared to 2014 its only 591,393. 15:08:13,” pahayag ni PNP PIO Chief P/CSupt. Wilben Mayor.
“Tsinicheck natin lahat ng crime, we have also crimes coming from or recorded sa barangay and other law enforcement,” dagdag nito.
Ang pagbaba ng krimen ay bunga ng crime clearance efficiency na nasa 37.57% at ang crime solution efficiency na nasa 50.35%.
“Ang clearance is identified ang suspek, cases filed pero di nahuli ang suspek, but when we say crime solution, na-file ang kaso at nahuli ang suspek,” saad pa ni Mayor.
Nangunguna sa listahan ng mga naitalang krimen ang physical injuries, theft, robbery, carnapping, rape, murder, homicide at cattle rustling. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)