Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Smartmatic, pasado na sa 1st stage ng bidding process para sa DRE machines

$
0
0

FILE PHOTO: Smartmatic box (Julius Castroverde / Photoville International)

MANILA, Philippines – Sa dalawang kumpanyang nag-bid para sa mahigit 400 Direct Recording Electronic machines (DRE), tanging ang Smartmatic ang pumasa 1st stage.

Ang DRE ay ang mga touch screen machines na susubukan gamitin ng COMELEC sa 2016 Elections.

3-2, ang resulta ng botohan ng Bids and Awards Committee (BAC).

Bago inanunsyo ang resulta ng deliberasyon, sinabi ng technical working group na bagama’t pasado ang DRE machine ng Smartmatic sa initial technical requirements, 7-7 naman ang botohan o hati ang posisyon ng technical working group sa articles of incorporation ng kumpanya.

Ayon sa BAC, kahit pumasa sa 1st stage ang Smartmatic ay hindi ito nangangahulugang otomatikong sa kanila na mapupunta ang kontrata.

Ayon kay Helen Aguila-Flores, ang Chairperson ng BAC, dadaan sa mas masusing pagbusisi ang kumpanyang nakalusot sa unang bahagi ng two-stage bidding process.

“Dadaan pa kami sa second stage. Kailangang pumasa sila doon.

Mas mahirap ang testing doon. Pati yung eligibility nila at kahit sino mang pumasa, sa second stage ay magdadaan pa rin sa post qualification evaluation.”

Samantala, unanimous naman ang botohan ng BAC upang ideklarang hindi nararapat makasama sa bidding ang joint venture ng SCYTL and VIVAL.

Bukod sa walang tax clearance na naisumite ang Scytl ay hindi rin pumasa ang kanilang DRE machines sa initial technical requirements.

Balak namang iapela ng SCYTL ang desisyon ng komite.

“SCYTL is not a locally registered company. We have provided all the BTAX clearance certificates from Spain and we believe it should be good enough. So we would be filing a motion for reconsideration in the next 3 days,” pahayag ni Kailash Agarwal, Authorized Representative ng SCYTL and VIVAL.

P32.5 million ang pondong inilaan para sa procurement ng 410 units ng DRE voting machines. (Victor Cosare / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481