Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga lugar sa Silangan ng bansa, makararanas ng pag-ulan

$
0
0

 

satellite image from PAGASA

satellite image from PAGASA

UNTV GEOWEATHER CENTER (5am, 12/18/14) – Umiiral parin ang Tail-end of a cold front na siyang nakaaapekto sa Central at Southern Luzon habang ang trough o extension ng isang Low Pressure Area ay nakaaapekto sa Mindanao.

Sa forecast ng PAGASA, makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pagulan ang Bicol region, Samar at Leyte area, Caraga at maging sa mga probinsya ng Aurora, Quezon at Palawan.

Dahil naman sa Amihan ay makararanas ng papulo-pulong mahinang pag-ulan ang Cagayan Valley, Ilocos at Cordillera region.

Sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa ay makararanas naman ng papulo-pulong pagulan at thunderstorms.

Mapanganib na pumalaot sa mga baybayin ng Northern at Central Luzon maging sa Silangang baybayin ng Southern Luzon at Visayas. (Rey Pelayo / UNTV News)

SUNRISE – 6.14am

SUNSET – 5.30pm


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481