MANILA, Philippines – Wala pang ibinibigay na kumpirmasyon ang Malakanyang kaugnay ng balitang nakapaghain na ng resignasyon si Department of Health Secretary Enrique Ona kay Pangulong Benigno Aquino III.
Ayon kay Presidential Communication Secretary Herminio “Sonny” Coloma Jr., wala pa silang impormasyon kaugnay ng umano’y pagbibitiw sa tungkulin ng kalihim.
“Dahil walang impormasyon, wala din tayong confirmation,” saad nito.
Sinabi pa ni Secretary Coloma na ang pangulo lang ang makagpapasya hingil sa sitwasyon ni Ona kaya dapat na hintayin na lamang ito.
Kamakailan lamang ay napabalitang ipinahakot na ng kalihim ang ilan sa mga gamit nito sa kanyang opisina at ipinahatid sa kanilang bahay sa Pasig City.
Tiniyak naman ng DOH na nakabaksyon si Secretary Ona, at nananatiling kalihim pa rin ng kagawaran.
Matatandaan na pinalawig pa ang leave of absence ni Ona upang mabigyan ng pagkakataon si Pangulong Aquino na pagaralan ang kanyang paliwanag sa isyu ng pneumococcal vaccine. (Joan Nano / Ruth Navales, UNTV News)