Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Revilla at Napoles, umapela sa Sandiganbayan

$
0
0

FILE PHOTO: Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. and Pork Barrel Scam Suspect Janet Lim-Napoles (UNTV News)

MANILA, Philippines – Humihiling si Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. at Janet Lim Napoles sa Sandiganbayan na makapag-presinta pa ng karagdagang ebidensya upang payagan pa rin silang makapagpiyansa sa kasong plunder kaugnay ng PDAF scam.

Sa kanyang apela sa Sandiganbayan, sinabi ni Revilla na nagkamali ang korte sa pag-deny sa kanyang petition for bail.

Ayon sa kanya, wala umanong ebidensyang direktang nagtuturong nakatanggap siya ng kumisyon mula kay Janet Lim Napoles o sa mga ipinaabot umano kay Atty. Richard Cambe na kanyang chief of staff.

Hindi rin umano pinansin ng korte ang nais patunayan ng kampo ng senador na pineke lamang ang kanyang pirma sa endorsement letters sa mga pekeng NGOs ni Napoles.

Dagdag pa ng senador, hindi binigyan ng atensyon ng korte ang umano’y inconsistencies sa testimonya ni Benhur Luy na nagpapatunay na hindi totoo ang mga sinabi nito laban sa senador.

Humihiling rin ang kampo ni Revilla na bigyan sila ng panahon upang masuri pa ng mga handwriting expert ang mga orihinal na dokumento mula sa Commission on Audit upang patunayang pineke ang pirma ng senador.

Umaapela rin si Janet Lim Napoles at sinabing walang ebidensya na nakipagsabwatan siya sa mga kongresista at chief of staff ng mga ito upang magkamal ng salapi mula sa PDAF.

Binigyang diin nito na isa siyang pribadong indibidwal at hindi maaring makasuhan ng plunder.

Sa December 22 itinakda ang pagdinig ng 1st Division sa apela ng mga akusado. (Joyce Balancio / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481