Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Malaking bahagi ng bansa, makararanas ng pag-ulan

$
0
0
satellite image from PAGASA

satellite image from PAGASA

UNTV GEOWEATHER CENTER (5am, 12/19/14) – Maulap ang malaking bahagi ng bansa dahil sa umiiral na Tail-end of a cold front na nakaaapekto sa Eastern Visayas at ang ang trough o extension naman ng isang Low Pressure Area ay nakaaapekto sa Southern Mindanao.

Sa forecast ng PAGASA, makararanas ng Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang Bicol, Visayas at Mindanao.

Dahil naman sa Amihan ay makararanas ng mahinang pag-ulan ang Cordillera, Ilocos at Cagayan Valley.

Sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa ay makararanas ng papulo-pulong pag-ulan at thunderstorms.

Matataas ang mga pag-alon sa mga baybayin ng Northern Luzon at Eastern seaboards ng Central Luzon at ng Visayas. (Rey Pelayo / UNTV News)

SUNRISE – 6.15am

SUNSET – 5.30pm

 

 

 

 

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481