Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Supplier ng cakes sa mga senior citizen sa Makati City, kinasuhan ng tax evasion

$
0
0

FILE PHOTO:  Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Jacinto Henares (UNTV News)

FILE PHOTO: Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Jacinto Henares (UNTV News)

MANILA, Philippines – Reklamong tax evasion ang isinampa ngayong Huwebes ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ) laban kay Kimtun S. Chong, sole proprietor ng food concessionaire na Cups and Mugs Kitchenette.

Ang naturang kumpanya ay may registered residential address sa 8023 Sgt. Yabut Circle, Guadalupe Nuevo, Makati City, at registered business address sa Makati City Hall, JP Rizal St., Poblacion, Makati City.

Ang Cups and Mugs Kitchenette ang nagsu-supply ng mga birthday at wedding anniversary cake na ipinamamahagi sa mga senior citizen sa Lungsod ng Makati, at nagke-cater ng mga pagkain sa Makati City Hall cafeteria at ospital ng Makati.

Inireklamo si Chong dahil sa hindi nito pagdedeklara ng kanyang totoong kinita noong 2009 hanggang 2011.

Ayon kay BIR Commissioner Kim Henares, kinumpirma ng lokal na pamahalaan ng Makati City na binayaran nito ang Cups and Mugs Kitchenette ng kabuoang P107.64 million sa loob ng tatlong taon.

P35.94 million noong 2009, P42.11 million noong 2010, at P29.59 million noong 2011.

Subalit sa kabila ng earnings ng kumpanya, bigong makapagbayad ng tamang buwis sa BIR si Chong.

Batay sa imbestigasyon ng BIR, P43.23 million lamang ang idineklara nitong total gross income sa loob ng tatlong taon.

P14.17 million noong 2009, P12.97 million noong 2010, at P16.08 million noong 2011.

Under declared ng mahigit tatlong daang porsyento ang kanyang income mula 2009 hanggang 2011.

Dahil dito, may kabuoang income tax liability si Chong na umaabot sa P46.60 million.

P16.69 million noong 2009, P20.84 million noong 2010, at P8.8 million noong 2011.

Nag-ugat ang imbestigasyon ng BIR sa Cups and Mugs Kitchenette, matapos isiwalat ni Atty. Renato Bondal sa pagdinig ng senado na ang pamilya Binay ang tagapamahala ng umano’y overpriced cakes na ipinamimigay sa mga senior citizen sa Makati City.

“Opo, sa hearing po ito nanggaling. Because of that, tiningnan natin at yun nga,” pahayag ni Henares.

Ang reklamong tax evasion na kinakaharap ni Kimtun Chong ay ang ika-327 reklamo na isinampa ng BIR sa DOJ sa ilalim ng Run After Tax Evaders (RATE) program ng administrasyong Aquino. (Bianca Dava / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481